Stefani Tacugue - September 3, 2024
Layunin nito ang pagpapalakas ng mga carbon sinks na tumutulong sa pag-imbak ng carbon dioxide at sa pagbabawas ng mga greenhouse gases sa himpapawid. Ilan sa mga halimbawa ng mga carbon sinks ay ang kagubatan at karagatan.
Bagaman mahalaga ang greenhouse gases upang panatilihin ang init na nagbibigay ng buhay sa mga nilalang sa mundo, ang labis na pagdami nito ay nagdudulot din ng labis na init na nagiging dahilan ng matinding pagbabago sa klima. Ito ay maaaring magdulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, mas pinalakas na mga bagyo, paglala ng tagtuyot, at pagkawala ng biodiversity.
Upang pigilan ang tuloy-tuloy na matinding pagbabago ng klima, kinakailangan ang mga konkretong hakbang tulad ng dahan-dahang pagtigil sa paggamit ng fossil fuels na nagdudulot ng matitinding GHG emissions, pagbibigay daan sa paggamit ng renewable energy sources katulad ng solar, wind, hydrothermal, at iba pa, at pagtuturo sa mga mamamayan kung paano pangalagaan ang kalikasan.
Ipinakita ng Filipinas kooperasyon sa pagtugon sa climate change pamamagitan ng pagsunod sa Paris Agreement. Ayon sa kasunduan, nakatuon ang bansa sa pagbabawas ng emisyon ng greenhouse gases. Alinsunod ito sa ating Nationally Determined Contribution (NDC) na naglalayong bawasan ang mga emisyon ng hanggang 75% sa taong 2030, sa tulong ng mga mauunlad na bansa. Bukod dito, layunin din ng NDC na isulong ang paggamit ng renewable energy upang bawasan ang ating pagdepende sa mga fossil fuels.
Mula sa ating mga tahanan hanggang sa mga komunidad, bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa climate change mitigation. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at patuloy na pag-aaral, mapapainam natin ang kalagayan ng mundo at ang kinabukasan nito para sa mga susunod na henerasyon.